Klip Ng Video
Lyrics
Nakakalimutang
Pati bahay gumuguho
Inaalalayan
Mga kaputol na nahuhulog
Lahat sila’y nagpapatuloy
Ako’y ‘di makaalis
Kinabukasang walang katuloy
Kung wala ka
(Kung wala ka)
Kapit kahit ‘di na matamo
(Mga matang manlilikha)
Ninakaw mo ang kulay ng mundo
(Iyong dala, hinahangad)
Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo
Kaya hayaang bumagyo (Oh)
‘Di man maibalik
Babalik pa rin sa ‘yo
Mapait na nakaraan
Puso ang nagbura
Ika’y nilarawan
Oh, isang anghel, nakabakas
Tuluyan na ‘kong lumulubog
Sa lupang kinatatayuan
Luha mo sa labi ko ang tanging
Inaasam
Kapit kahit ‘di na matamo
(Mga matang manlilikha)
Ninakaw mo ang kulay ng mundo
(Iyong dala, hinahangad)
Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo
Kaya hayaang bumagyo (Oh)
‘Di man maibalik
Babalik pa rin sa ‘yo
Kalangitan, araw at buwan
Lahat isinumpa
Dugo’t pawis, ‘di na maalis
Ito ba’y nakatakda
Kahit na sandali, isang saglit
Mayakap ka muli, ‘to ba’y mali?
Kahit na sandali, isang saglit
Mayakap ka muli, ‘to ba’y mali?
Kapit kahit ‘di na matamo
Ninakaw mo ang kulay ng mundo
(Iyong dala, hinahangad)
Mahirap pigilan ang pusong ikaw bumuo
Kaya hayaang bumagyo (Oh)
‘Di man maibalik
Babalik pa rin sa ‘yo
